DOHA (AFP) – Lumikha ang Qatar nitong Miyerkules ng bagong permanent resident status para sa ilang grupo ng mga banyaga, lalo na ang mga nagtrabaho para sa kapakinabangan ng emirate.

Sa unang pagkakataon sa Gulf, inaprubahan ng gabinete ng Qatar ang hakbang, iniulat ng official QNA press agency, na pakikinabangan ng libu-libong resident foreigners.

Sa ilalim ng bagong patakaran, ang mga bata na may inang Qatari at banyagang ama ay maaaring makinabang sa bagong status kasama na ang foreign residents na nagbigay ng “service to Qatar” o mayroong “skills that can benefit the country,” saad sa ahensiya.

Isang espesyal na komisyon sa interior ministry ang magdedesisyon sa bawat kaso, ayon sa Qatar News Agency.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Ang mga eligible sa bagong status ay bibigyan ng parehong access gaya ng mga Qatari sa libreng serbisyo publiko, gaya ng kalusugan at edukasyon.

Tatanggap din sila ng preferable treatment para sa mga trabaho sa administrasyon at armed services at magmay-ari ng propyedad at makapagnegosyo nang hindi na kailangan ng isang Qatari partner.

Hindi man lubusang nag-alok ng Qatari nationality, ang bagong hakbang ay una sa Gulf.

Bibihira ang naturalisation sa rehiyon at limitado ang estado ng milyun-milyong banyagang nagtatrabago sa Gulf.

Ang oil-rich Qatar ay mayroong 2.4 milyong populasyon, 90 porsiyento sa kanila ay mga banyaga, kabilang ang maraming taga-Southeast Asia na nagtatrabaho sa konstruksiyon.