Ni: Beth Camia at Jeffrey G. Damicog

Si Peter Lim ang supplier ng ilegal na droga ng grupo ni Kerwin Espinosa na umano’y distributor ng shabu sa Visayas.

Ito ang nakasaad sa referral letter ng Major Crimes Investigation Unit ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na naglalaman ng detalye ng reklamong kanilang isinampa laban kina Lim, Peter Co, Espinosa at iba pang personalidad na sinasabing sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga sa Region 7 at 8.

Ayon sa PNP-CIDG, isiniwalat ng pinagkakatiwalaang tauhan ni Espinosa na kanilang naaresto sa buy-bust operation sina Lim at Co na umano’y supplier ng droga ng Espinosa Group.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

LIM INIIMBITAHAN SA DOJ

Inatasan si Lim na magtungo sa Department of Justice (DoJ) ngayong Agosto.

Nag-isyu ng subpoena ang DoJ kay Lim na dumalo sa preliminary investigation hearing sa Agosto 14 at 17.

“You are hereby warned that failure on your part to comply with this subpoena shall be considered as waiver to present your defense in the preliminary investigation and the case shall be submitted for resolution,” ayon sa subpoena.