Ni: Mike U. Crismundo
BUTUAN CITY – Limang mahihinang lindol ang yumanig sa Surigao del Norte at Surigao del Sur nitong Lunes at Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, naitala ang 2.7 magnitude na lindol bandang 5:22 ng umaga kahapon, at ang epicenter nito ay nasa 39 na kilometro sa timog-silangan ng bayan ng General Luna sa Surigao del Norte, at may lalim na 13 kilometro.
Dakong 11:52 ng gabi nitong Lunes nang yanigin ng 3.3 magnitude ang Lingig, Surigao del Sur, kasunod ng 3.3 magnitude bandang 11:27 ng gabi ng araw din na ito, sa kaparehong bayan.
Nauna rito, naramdaman ang 2.7 magnitude na lindol bandang 6:44 ng gabi nitong Lunes sa bayan ng Marihatag sa Surigao del Sur, habang nasa 2.3 magnitude naman ang yumanig sa Surigao City, Surigao del Sur dakong 11:14 ng umaga.