Ni ADOR SALUTA

NAGKITA kami ni Donita Rose nang maging panauhin siya sa programang Magandang Buhay a few weeks ago. Ibinalita niya na wino-work out pa rin niya sa ngayon ang annulment case nila ng kanyang ex-husband na si Eric Villarama, although divorced na sila ng kanyang mister noong nakaraang December.

Kahit divorced na ang status ng kanilang relasyon, kailangan pa rin ang annulment para tuluyan nang mapawalan ng bisa ng kanilang kasal.

Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, si JP na going teens na. Kasalukuyang nasa US ang kanilang anak dahil hiniling ni Eric na magbakasyon ito sa kanya for three months (June to August).

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Naiiyak nga ako, eh, JP will be away for three months,” sabi ng Fil-Am celeb.

Pagkatapos ng tatlong buwan, saka lang ulit makakapiling ni Donita ang anak sa ‘Pinas.

Siniseryoso na ni Donita ang pagso-showbiz, at paminsan-minsan ay nagkakaroon siya ng guestings sa GMA shows and lately nabigyan siya ng cooking show ng Kapuso, ang HeartMate Kitchen.

Sa launch ng kanyang show last week sa GMA Network Center, marami ang natuwa sa pagbabalik niya sa hosting. Masaya naman niyang sinagot ang mga katanungan sa kanyang lovelife na matagal nang inuurirat ng press people na malapit sa kanya.

Sey ng single mom, zero ang kanyang lovelife, as in wala naman daw nagpaparamdam sa kanya ngayon.

“Wala pa talaga. I’ve been single since ‘yung separation,” ani Donita. “It’s been like three and a half years. I’ve never dated, never thought about anything.

“Because I just really wanted my heart to heal first. You know when you’re brokenhearted, I don’t know how people can think about love when they’re brokenhearted. You really need to heal first,” katwiran pa niya.

Pero paunti-unti nang nakaka-move on si Donita.

Gusto niyang mag-focus sa kanyang bagong TV show at maayos na co-parenting obligations nila ni Eric sa nag-iisang anak nila.