Ni JIMI ESCALA

MASAYANG-MASAYA si Luis Manzano sa bagong award na natanggap niya last Tuesday sa Resorts World bilang isa sa “Men Who Matter 2017” ng People Asia.

LUIS AT EDU copy

Kasama rin ni Luis bilang awardee ang kanyang amang si Edu Manzano. Tulad ng hosting job nila sa Eddys Awards, first time nilang nagkasama para tumanggap ng nasabing parangal.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pinasalamatan ni Luis ang mga taong nasa likod ng nasabing awards at ipinagmamalaki’t ibinalandra ito sa kanyang Instagram account.

“’Yung makasama ko ang Daddy ko with other successful gentlemen was achievement and an honor. We are the first father and son pair to receive the award,” sey ni Luis.

Pinasamalatan din ni Luis ang kanyang Mommy Vilma Santos at ang kasintahang si Jessy Mendiola na kasama niya nang gabing tanggapin niya ang parangal.

Nominado naman si Luis bilang Darling of the Press sa darating na Star Awards for Movies na gaganapin sa September 3. Pero ang hirit niya sa amin, hindi siya umaasang manalo.

Ilang taon na siyang nominado sa nabanggit na kategorya at kuntento na raw siya sa pagiging “forever nominee” bilang Darling of the Press, huh!

Samantala, kahit anong pilit namin ay ayaw pa ring magsalita ni Luis hinggil sa nakarating na isyu sa amin na pinaplano na nila ni Jessy ang pagpapakasal nila early next year.