Ni: Bert de Guzman

Inaprubahan ng House committee on energy ang panukalang batas na layuning mapigilan ang mga obstruction at ilegal na koneksiyon sa mga linya ng kuryente upang matiyak ang tuluy-tuloy na supply nito sa kabahayan, commercial centers, at sa mga industriya sa bansa.

Ang panukalang Anti-Power Line Disturbance Act ay ipinalit sa House Bills 1223 at 1224 ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, at House Bill 3351 ni 1-CARE Party-list Rep. Carlos Roman Uybarreta.

Papatawan ng anim na taong pagkabilanggo at pagmumultahin ng P100,000 ang mga responsable sa “introduction of high-growing vegetation and hazardous improvements along power line corridors”.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'