Ni: Mary Ann Santiago

Tone-toneladang basura ang napadpad kahapon sa dalampasigan ng Manila Bay sa Maynila, sa kasagsagan ng malakas na ulan at hanging dala ng bagyong ‘Gorio’.

Kaagad naman itong hinakot ng mga tauhan ng Manila Department of Public Services (MDPS) ng Manila City government.

Sa taya ng MDPS, kung magtutuluy-tuloy ang pag-ulan ay posibleng dumami pa ang mga basurang aanurin sa Manila Bay, at tatagal ng isang linggo ang paghahakot nila sa mga ito.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose umamin, 'di pala kinuhang endorser ni Bea Alonzo