Ni DINDO M. BALARES

DALAWANG Pinoy movies ang kasalukuyang nananalasa sa takilya, ang Kita Kita na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez at ang Finally Found Someone na pinagbibidahan naman nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

SARAH EMPOY AT JOHN LLOYD copy

Ini-release sa magkasunod na Miyerkules ang dalawang pelikula na napakalayo ng pagkakaiba. Unang-una, ginawa ang Kita Kita sa disiplina ng indie films, formula movie naman galing sa giant outfit ang Finally Found Someone. Kaya experimental ang pairing nina Alessandra at Empoy, alam nating lahat na matagal nang matatag ang box office power nina Sarah at John Lloyd.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Bagamat parehong tumatabo sa takilya, magkaiba ang opening day income ng dalawang pelikula. Mahina sa unang araw ang Kita Kita, pero biglang pumik-ap sa mga sumunod na araw dahil sa lakas ng word of mouth effect. Noong nakaraang Linggo, tumiba ito ng P25-million! Ito na ang sumusunod sa pambihirang performance sa box office ng indie ring Heneral Luna at That Thing Called Tadhana na umakyat sa mahigit P100M ang income.

Ang Finally Found Someone naman, kumabig agad ng P20M sa opening day, ayon sa Star Cinema insider na nakausap namin.

Ang Spring Films nina Piolo Pascual, Erickson Raymundo at Joyce Bernal ang nagprodyus ng Kita Kita.

Masiglang-masigla ang industriya ng pelikulang Pilipino sa nangyayaring ito, magkasabay na pinapasok ng moviegoers ang isang indie at isang mainstream movie.

Pero ang panalo sa pagtabo ng Kita Kita at Finally Found Someone ay ang Viva Entertainment Group. Distributor ng una at co-producer naman ng huli ang Viva.

No wonder, nitong nakaraang Biyernes, may ipinost ang Viva Artists Agency na agad nag-viral, picture nina Empoy, Sarah at John Lloyd.

No doubt, umaandar pa rin ang pagiging henyo ni Boss Vic del Rosario.