Ni NORA CALDERON

MAY bagong tween love team ang GMA Network, sina Lindsay de Vera at Dave Bornea.

Napansin agad ang chemistry ng dalawa sa una nilang pagtatambal sa Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes. Ngayong magbabalik ang serye, magpapatuloy ang characters ng love team nina Dave at Lindsay, kasama pa rin sina Andrea Torres, Paolo Contis, Jaclyn Jose, Rob Moya at ang bagong kasama sa cast na sina Edu Manzano, Ruru Madrid at Solenn Heussaff.

Lindsay & Dave - ARH copy

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Hindi kataka-taka kung bakit komportable sa isa’t isa at close pa rin kahit ilang buwan nang natapos ang unang serye nila dahil matagal nang magkakilala sina Lindsay at Dave, bago pa man sila nagkasama sa Alyas Robin Hood. Natanong tuloy si Dave kung nanliligaw na siya kay Lindsay.

“Hindi po, friends lang kami,” sagot ng binatilyo. “Parang mahirap pong ligawan siya dahil ayaw kong masira ang friendship namin. Hindi po ba mahirap kung magkasama kayo sa isang project na boyfriend-girlfriend, ‘tapos mag-aaway, makakasira po iyon sa trabaho namin. Pero mabait po si Lindsay, sweet siya at kilala ko na ang family niya. 

“Nag-o-open din siya sa akin kung may problema siya. Masaya nga po ako na ibinalik ang Alyas Robin Hood at muli kaming nagtambal ni Lindasy. Siguro po, I will wait for the right time, focus po muna ako sa career ko.”

Dating seminarian si Dave pero after three years sa loob ay lumabas at sa showbiz siya napunta. Cebuano pero sa Manila na mag-isang naninirahan si Dave dahil nasa Cebu ang kanyang pamilya.

Nang si Lindsay naman ang tanungin kung nanliligaw ba sa kanya si Dave...

“Pero three years na po kaming magkakilala at comfortable ako sa kanyang kasama, bonding na namin ang taping, pero hindi pa po siya nanliligaw,” sagot ng dalagita. “Pero may good relations po siya sa family ko, he is there always if we need him. Kaya natuwa ako nang ituloy sa Alyas Robin Hood ang role ko bilang niece ni Kuya Dingdong. Kung sa unang ARH ay iyakin ako at kumukuha ng strength sa family ko, especially sa lola ko, si Tita Jaclyn(Jose), ngayon ako naman ang kinukunan ng strength ni Papa (Gary Estrada) nang makidnap si Lola. Naging independent ako for my family.”

British ang dad ni Lindsay at Filipina-Spanish ang mom, may two older brother siya. Naka-base sa Singapore ang dad niya na computer analyst. Kumukuha siya ng Culinary Arts ngayon na itutuloy pa rin niya kahit may soap siya.