NI: Charina Clarisse L. Echaluce

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas, humigit sa 1,000 ang kabuuang bilang ng human immunodeficiency virus (HIV) cases na iniulat sa loob ng isang buwan, base sa datos ng Department of Health (DoH).

Sa HIV and AIDS Registry of the Philippines (HARP) report, mayroong 1,098 bagong HIV cases ang naitala nitong Mayo 2017.

“This is the highest recorded cases ever since 1984,” ayon sa DoH report.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Hinigitan ng May 2017 cases ang pinakamaraming kaso noong Marso 2017, na may 968.

Ang kabuuang bilang ng May 2017 cases ay 48 porsiyentong mas mataas kumpara sa naitalang 741 noong nakaraang taon.

Samantala, sa pinakabagong record ng HIV cases, aabot sa 140 ang acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) cases.

Naitala rin ang 15 kaso ng pagkamatay sa HIV/AIDS nitong Mayo.

Nangunguna pa rin ang pakikipagtalik sa pagsasalin ng nasabing sakit sa naitalang 1,068 kaso; na karamihan ay lalaki sa lalaking pakikipagtalik na may 918.

Ang homosexual contact ang may pinakamataas na kaso sa naitlang 558. Ito ay sinundan ng bisexual contact, 360; at heterosexual contact, 150.