Ni: Gilbert Espeña
WALANG ibinuga si undefeated Jessie Cris Rosales ng Pilipinas nang dalawang beses pabagsakin at mapatigil sa 2nd round ni dating world champion Jhonny Gonzalez para mapanatili ang WBC Latino super featherweight title noong Sabado sa Lienzo Charro sa Hidalgo Del Parral, Chihuahua, Mexico.
Kaagad hinamon ni Gonzalez ang kababayan niyang si WBC super featherweight champion Miguel Berchelt matapos mapaganda ang kanyang kartada sa 64-10-0 na may 54 panalo sa knockouts dahil tiyak na aangat siya sa WBC rankings bilang No. 5 contender.
Bumagsak naman ang rekord ni Rosales sa 21-1-1 na may 9 pagwawagi sa knockouts na aminadong malakas bumigwas si Gonzalez at ngayon lang siya nakaharap ng world caliber boxer.
Umaasa naman si Gonzalez na bibigyan ng pagkakataong hamunin si Berchelt na naipagtanggol kamakailan ang titulo sa dating kampoen na si Takashi Miura ng Japan sa Inglewood, California.
"I've felt a bit underrated, but I've already been talking to the WBC. I'm number five in the division, because with a win the opportunity to compete for a world title is closer," sabi ni Gonzalez sa Gightnews.com. " [To get a shot at a world title] I am not only obligated to win, but I have to convince [the WBC] and make it clear that I am ready to return in a fight for a world title. I feel strong and I will prove it."