Ni: Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Magkahiwalay na natagpuan ang ulo at kinatay na katawan ng isang security guard sa binabantayan nitong gusali sa Pareja Subdivision, Barangay Bayanihan, Butuan City, nitong Linggo ng madaling araw.

May layong 10 metro ang ulo ni Joneffer M. Bustillo—55, residente sa lugar at security guard sa Intino Building sa loob ng subdibisyon—sa kanyang katawan nang matagpuan bandang 1:50 ng umaga nitong Linggo.

Batay sa awtopsiya, bagamat walang bakas ng sakal bago pinugutan si Bustillo, tadtad naman ng saksak ang tiyan ng biktima kaya naman lumabas na ang bituka nito, may mga saksak din ito sa ulo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?