ni Hannah L. Torregoza

Prayoridad ng Senado ang mga hakbang upang maamenyadahan ang 1987 Constitution at maipasa ang panukalang P3.767-trilyong national budget para sa 2018 ng pamahalaang Duterte, sa pagbabalik ng ikalawang regular session ng 17th Congress.

Kinumpirma ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, sa isang text message, na layon niyang maisulong ang mga panukala sa charter change (chacha) upang makasabay sa mga planong magtipon bilang constituent assembly (con-ass) sa Enero o Pebrero, gaya ng unang inihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na bilisan ang mga hakbang upang mailatag ang federal system ng gobyerno sa bansa, na itinuturing nitong susi sa pagresolba sa gulo sa Mindanao.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“There’s no formal agreement yet, but in principle, I agree. I made Charter change a priority in this second session,” sinabi ni Pimentel nitong weekend.

Magbabalik sa trabaho ang Senado ngayong araw, kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Una rito ay nagtipon ang Senado at ang Kamara sa isang special joint session para talakayin ang hiling ng Pangulo na palawigin ang martial law sa Mindanao, na kaagad inaprubahan ng Kongreso.

“I made it (Charter change) in my list of priorities, which I submitted to the Senate Majority Leader (Vicente Sotto III). Congress also pursues its priorities not only LEDAC identified ones,” diin ni Pimentel.

Ang tinutukoy ni Pimentel ay ang Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC) na nagsisilbing consultative at advisory body ng Pangulo.

Handa rin ang Senado na talakayin ang panukalang 2018 national budget na isusumite ng Pangulo sa Kongreso sa araw ng kanyang SONA.

“The early submission of the NEP (National Expenditure Program) would allow us to also start early in reviewing the proposed P3.767-trillion budget for 2018,” wika ni Sen. Loren Legarda, chair ng Senate Finance Committee.

Una nang ipinahayag ng Department of Budget and Management (DBM) na prayoridad sa panukalang 2018 budget ang edukasyon at infrastructure development, partikular na ang infrastructure program ng pamahalaan na “Build, Build, Build”, at ang pagbibigay ng social services sa mamamayan.

Kabilang din sa mga prayoridad na panukalang batas ng Senado ang Unified National Identification System Act; Security of Tenure Bill (End of “Endo” or Contractualization); panukalang magamit ang Coconut Levy Fund; National Transport Act para matugunan ang krisis sa trapiko; Budget Reform Act; National Land Use Act; panukalang batas sa Rightsizing of the National Government; Amendments to the Anti-Cybercrime Act; at mga pagbabago sa Agricultural Tariffication Act of 1996.

Ipagpapatuloy din ng Senado ang pagtatalakay sa pag-aamyenda sa National Irrigation Administration (NIA) Charter para magkaroon ng libreng irigasyon; pagbabago sa Public Service Act; Ease of Doing Business Act/Fast Business Permit Act; at mga pagbabago sa Government Procurement Reform Act.

Sinabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na tatalakayin din ng Senado ang panukalang emergency powers na kailangan ng administrasyong Duterte para maresolba ang traffic situation sa bansa.

“We will include every important bills as part of the agenda,” sabi ni Sotto sa isang panayam sa radyo.