Ni AARON RECUENCO

Inaresto ng anti-scalawag unit ng Philippine National Police (PNP) ang bagitong pulis na inaakusahan ng pangingikil sa mga kamag-anak ng drug suspect na kanilang inaresto sa Maynila.

Ayon kay Supt. Chiquito Malayo, head ng Counter-Intelligence Task Force (CITF), nagsasagawa na sila ng follow-up operation laban sa kasabwat ng inarestong pulis, na isa ring baguhang cop.

Kinilala ang inarestong pulis na si Police Officer 1 Raymund Gulapa habang ang tumakas niyang kasama ay kinilalang si PO1 Raymond Casas. Kapwa sila miyembro ng anti-drugs unit ng Manila Police District-Station 11.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

“The operation was started based on the complaint of a relative of an arrested suspect who claimed that the policemen have been demanding P15,000 from them,” ayon kay Malayo.

Ang pera, na kalaunan ay ibinaba sa P10,000, ay para umano sa pagpapababa ng kaso na isasampa laban sa isang Jayvare Manubag na inaresto noong Hulyo 7 dahil sa kasong illegal possession of illegal drugs.

Agad isinagawa ang entrapment at nang lumitaw ang dalawang pulis sa lugar kung saan iaabot ang pera, ipinaaresto ng CITF personnel ang dalawang pulis sa Pier 12 sa Tondo, Maynila.

Ngunit si Casas, ayon kay Malayo, ay nakatakas.

“Coordination with the Commander of the Police Station 11 is being conducted to apprehend him,” ani Malayo.

Nakuha sa naarestong suspek ang isang 9mm pistol at isang .38 revolver.