Justin Bieber  (Chinatopix via AP, File)
Justin Bieber (Chinatopix via AP, File)

IPINAGBAWAL ng China ang pagtatanghal ng concert ni Justin Bieber sa bansa dahil sa “bad behavior” nito on at off stage.

Sinabi ng Beijing Municipal Bureau of Culture na ang pag-ban sa singer ay kailangan para “ma-purify” ang entertainment industry sa bansa ngunit sinabing hindi ito permanente, na umaasang magbabago ang ugali ni Bieber at makuhang muli ang suporta ng fans. Ang 23-year-old singer ay nakasuhan dahil sa umano’y pagmamaneho ng lasing at drag racing.

Kumpara sa Birtish alternative rock band na Placebo, maikokonsiderang masuwerte pa si Bieber. Kinansela ng grupo ang gig sa Summer Sonic Festival sa Shanghai sa Setyembre at pangbahambuhay na banned sa bansa dahil sa pagpo-post ng litrato ni Dalai Lama, ang spiritual leader ng Tibet, sa official Instagram page ng banda. Itinuturing ng China ang Nobel Prize-winning monk na isang mapanganib na separatist.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang pansamantalang ban kay Bieber ay lumabas nang may mag-post sa website ng Neijing culture bureau noong nakaraang linggo at nagtanong kung bakit hindi puwedeng magtanghal ang singer sa bansa bilang parte ng Asia Tour ni Bieber sa Setyembre. Ang “Purpose” tour ni Bieber ay nakatakdang ganapin sa Tokyo, Hong Kong, Pilipinas at Singapore.

“Please give a detailed explanation of why Justin Bieber is not allowed to come to China! (He) has won many major awards, which demonstrates his extraordinary talents. Why aren’t mainland fans given the right to enjoy his performance?” saad ng nag-post.

Sumagot ang Beijing Municipal Bureau of Culture nitong Martes at sinabing “bad behavior” ni Bieber ang dahilan.

“We sympathize with your feelings. Justin Bieber is a talented singer but is also a controversial young foreign idol. We understand that there are records of his bad behavior, whether it is in his private life abroad or on stage…

“His inappropriate manner has caused public discontent. In order to regulate the market order of show business in China and purify the market environment, it was decided that performers of inappropriate behavior will not be welcomed.” - Variety