Ni: Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija – Nasa 113 sako ng bigas ang natangay mula sa bodega nang looban ito ng mga hindi nakilalang kawatan sa Purok 6, Barangay Bacal I sa Talavera, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng umaga.

Sa salaysay ng may-ari ng bodega na si Elena Cruz-Santos, 51, negosyante, taga-Bgy. Poblacion West, Science City of Muñoz, nadiskubre niyang nawawala ang nasa 113 kaban ng bigas sa kanyang warehouse, kahit pa nai-padlock naman ito ng kanyang katiwala.

Sinasabing nangyari ang panloloob sa pagitan ng 7:00 ng gabi ng Miyerkules hanggang 7:00 ng umaga ng Huwebes.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog