Ni: Entertainment Tonight
IPINAHAYAG ni Aaron Carter ang kanyang panig ukol sa kanyang pagkakaaresto sa Habersham County, Georgia, nitong Sabado ng gabi.
Nakipag-usap ang 29-year-old singer sa ET, mababakas sa itsura ang pagiging emosyonal sa kanyang pagkakaaretso sa kasong Dui refusal, possession of marijuana na less than one ounce at possession of drug related objects. Napaiyak si Carter habang isinasalaysay ang karanasan sa huling apat na araw at inaming hindi pa siya natutulog simula noong Sabado.
“Basically, I’ve been listening to America and Stevie Wonder and the O Brother, Where Art Thou? soundtrack,” pahayag ni Carter kay Jennifer Peros ng ET, tungkol sa paraan ng pagbangon niya mula sa trahedya.
Ipinaliwanag ni Carter na bago siya naaresto, siya at ang kanyang girlfriend na si Madison Parker, ay nasa North Carolina para sa club appearance noong Biyernes, at nagdesisyon siyang bumili ng mumurahing kotse upang di gumastos ng malaki sa pagrerenta. Inamin rin niya na takot siyang sumakay ng eroplano, dahil sa karanasan noong Setyembre 11, 2001.
“I opened for Michael Jackson September 9 and 10 in 2001 -- we all left the morning of September 11 and watched the Trade Centers get hit across the Hudson River, and I saw it with my own eyes and I saw people jumping out of the buildings and burned,” kuwento ni Carter.
Aniya, hindi maayos ang kotseng nabili niya, at hindi maisarado ang lock ng pintuan, kaya binantayan niya ang girlfriend sa buong magdamag noong Biyernes. Nang hindi makadalo sa show niya kasama si Flo Rida sa Kansas City, Missouri, noong Sabado, pumunta siya sa Alabama, at doon tumigil sa AutoZone sa Georgia para ipakabit ang bagong gulong.
“Somebody said I was driving recklessly on the road, that’s what the police report said, but the alignment was off on my car, so I went to AutoZone to see if I could do anything about it,” paliwang niya. “A motorcyclist reported that I was swerving all over the road, but the alignment was off a little bit on the new tire.”
Aniya, nilapitan siya ng isang pulis sa loob ng AutoZone.
“(They) forcefully grabbed me out,” saad niya. “(I) stepped outside. I say, ‘I invoke the right to speak to my attorney,’ and they disregarded that, they revoked that immediately. They said, ‘Is there anything illegal in the car?’ I said, ‘I have marijuana in the car.’”
“I kept trying to explain the whole situation, to the officer,” patuloy niya. “He said, ‘You’re a professional, right? I’m a professional too, so be quiet.’ And then I said, ‘OK.’”
Sinabi rin niya na hindi siya uminom ng alak o gumamit ng anumang drugs.
“I do not drink alcohol at all,” aniya, at sinabing ipinagbabawal sa kanya ang pag-inom ng alak o anumang gamot dahil sa medical condition niya. Gayunpaman, inamin niyang paminsan-minsan ay umiinom siya ng beer.
“I’ll occasionally have a sip of a beer or something like that, but I can’t even drink IPAs,” pagkaklaro niya. “I can’t drink anything like that. I have to drink the lightest beer possible that’s not hoppy. I don’t drink any hard liquor.”
Sinabi rin niya na ang huling paghithit niya ng marijuana ay siyam na oras na ang nakararaan bago dumating ang mga pulis. Aniya, ginagawa niya ito dahil sa kanyang anxiety, chronic pain at para ganahan siyang kumain.
“No. Nothing. Zero. I am willing to do a polygraph test,” saad niya. “I take Xanax, Propranolol for high blood pressure medication, and I took oxycodones for my mouth.”
May mensahe si Carter para sa lahat ng kanyang fans na nangangailangan ng tulong para iwasan ang addiction.
“It hurts real bad because people don’t know me, and I have no control over it, and this is the way I am,” aniya. “I have a medical condition. When I was 19 years old, I got an endoscopy done in Tennessee and I was diagnosed with a hiatal hernia. The doctor told me I have to keep stress out of my life, or else it’s gonna take a toll on me and I can develop cancer.”
“I don’t need help,” patuloy niya. “What I need is for people to understand that I’m human and that I make mistakes just like every other human in this world, but I would never risk my life or my girlfriend’s life.”
Mariin ding sinabi ni Carter na kahit kailan ay hindi siya gumamit ng meth, crack cocaine o heroin. Idinagdag din niya na ang pinakamalaki niyang pagkakamali ay ang paggamit ng ecstasy “a couple of times” noong siya ay 16 na taong gulang
“I do not drink,” pagdidiin niya. “Hire a polygraph person, a professional. Strap me up.”