Ni: Nitz Miralles

ISA sa mga inaabangang bagong show ng GMA-7 ang My Korean Jagiya na pagbibidahan ni Heart Evangelista. Nasa Seoul, Korea si Heart ngayon kasama si Iya Villania, gumaganap na best friend niya sa series at ang team ni Direk Mark Reyes mula sa writer at technical staff.

Alexander_Lee_Eusebio_2017 copy

Considered the first Pinoy-Korean series ang My Korean Jagiya na kuwento ng isang Filipina fan ng isang Korean actor na marami ang makaka-relate dahil marami tayong kababayan na fan ng Korean actors and singers, K-drama at K-pop.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang former member ng UKiss band na si Alexander Lee Eusebio ang sinasabing leading man ni Heart. Hindi pa lang makumpirma dahil wala pang announcement ang GMA-7, nakatalikod at may takip ang mukha ng ipino-post na picture ng kapareha ni Heart.

Mas kilala si Alexander sa tawag na Xander at kahit Eusebio ang apelyido ay hindi siya Filipino, half-Korean, quarter-Portuguese at quarter-Chinese. Nakapunta na siya sa Pilipinas nang mag-concert dito noon ang UKiss.

Kasama rin sa cast ang Korean actor na si Kim Jung-wook na ang English name ay David Kim. Ipinost ni Kim Jung-wook ang picture nila ni Heart sa Instagram, pero agad ding dinelete.

May behind-the-scene footage kaming nakita na in-interview si Heart ng KBS World TV at maganda sana kung ipalabas din sa GMA-7 ang naturang interview.