GINAPI ng Diliman College Blue Dragons at San Beda Red Lions ang kani-kanilang karibal sa pagsisimula ng 15th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament kamakailan sa San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Hataw si Senegalese Adama Diakhite sa nakubrang game high 23 puntos para sandigan ang Blue Dragons sa 86-51 dominasyon sa guest squad West Crame ng San Juan.

Kumana naman ng tig-19 puntos sina Eugene Toba at Alfred Sedillo sa 73-64 panalo ng Red Lions kontra Ateneo Blue Eagles.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa junior division, pinataob ng Rich Golden Montessori School, sa pangunguna ni Iverson Petros na umiskor ng 11 puntos, ang San Beda-A, 87-73, habang nanaig ang Diliman Preparatory School sa San Beda-B, 73-60.

Ipinahayag ni Commissioner Robert de la Rosa na kabuuang 30 varsity squad ang sasabak sa liga, kabilang ang 12 teams sa senior division.