Garbine Muguruza  (AP Photo/Kirsty Wigglesworth)
Garbine Muguruza (AP Photo/Kirsty Wigglesworth)

LONDON — Kipkip sa katauhan ni Garbine Muguruza ang paghanga sa magkapatid na Williams na itinurin niyang ‘childhood idol’.

Ngayong ganap nang tennis star sa sariling pamamaraan, nakamit ni Muguruza ang karapatan bilang tanging player na nakagapi sa magkapatid sa major final.

Determinado mula simula hanggang sa huling iskor, nadomina ni Muguruza ang 37-anyos na si Venus Williams, 7-5, 6-0, nitong Sabado (Linggo sa Manila) para makamit ang kauna-unahang Wimbledon championship.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

"It's great to go out there and play somebody that you admire," pahayag ni Muguruza. "I knew she was going to make me suffer and fight for it."

"I was just very composed. Once I go to the big court, I feel good. I feel like that's where I want to be, that's what I practice for. That's where I play good. ... I'm happy to go to the Centre Court and to play the best player. That's what motivates me,” sambit ng 23-anyos Spanish star.

Sumabak si Williams sa ika-16 na Grand Slam final at ikasiyam sa All England Club. Sa edad na 37, target niyang makamit ang ikaanim na title sa Wimbledon, 17 taon ang nakalipas mula nang masungkit ang unang kampeonato rito.

Nangailangan maisalba ni Muguruza ang dalawang set point sa iskor na 5-4 sa opener bago tuluyang umarangkada tungo sa impresibong panalo.

"She competed really well. So credit to her," pahayag ni Williams. "She just dug in there."

Lumaban naman si Muguruza sa finals sa ikatlong major tournament.

Sa kanyang unang paglayag sa Wimbledon noong 2015 nabigo siya sa nakababatang Williams na si Serena. Ngunit, sa ikalawang major finals – 2016 French Open – nakabawi siya kay Serena para sa kanyang unang career major title.

Sa pangangasiwan ng kanyang coach at Tour veteran na si Conchita Martinez, nabago ang katauhan at katatagan ni Muguruza.

"She's very brave,” sambit ni Martinez, huling Spanish women player na nagwagi ng Wimbledon singles title (1994) bago ang tagumpay ni Muguruza.