Ni: Danny J. Estacio

CAMP SANTOS, Calauag, Quezon - Sinilaban ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang ilang construction equipment sa Barangay Tanag Ivbaba, Lopez, Sabado ng gabi, iniulat ng militar.

Sa report ni Brig. Gen. Lenard Agustin, commander ng 201st Infantry Brigade ng Army, kay Major General Rhoderick Parayno, Second Division commander, may 10 rebelde ang lumusob sa compound ng RTY Construction Company at sinunog ang isang payloader, tatlong Elf truck, at isang cement mixer.

Matagal nang pinipilit ng NPA na kikilan ang kumpanya, sabi ni Agustin.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Iniutos niya kay Lt. Col. Ely Tono, 85th Infantry Battalion commander, na tugisin ang mga nanunog.

Ang panununog ay isang babala ng NPA sa iba pang construction companies na magbigay ng pera o sila ay lulusubin din, ani Agustin.