Ni: Reggee Bonoan

BILIB kami sa kambal na sina Joj at Jai Agpangan dahil kahit super rich ang pamilya (dalawa lang silang magkapatid) sa Bacolod City at maski papaano ay may pangalan na rin naman sa showbiz sa rami ng shows na nasamahan nila, ni minsan ay hindi namin namasdang nagmayabang o nawalan ng respeto sa kapwa.

Ito na rin siguro ang dahilan kaya gustung-gusto silang katrabaho ng mga taga-production.

Nakita naming bumaba ng van ang kambal sa harap ng ABS-CBN ELJ Building katapat ng McDonalds bitbit ang kani-kaniyang malaking bag. Wala kaming nakitang kasama nila, yaya man o alalay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dahil kilala na nga sina Joj at Jai, marami ang bumati at nagpa-picture sa kanila na kaagad nilang pinaunlakan, nag-smile at sila pa ‘yung nagpasalamat sa fans na humarang sa kanila.

Pag-akyat nila sa hagdanan, matiyaga silang pumila, ipina-check ang kanilang bags, at naka-smile rin sa mga security guard. Kaya paano mo nga namang hindi sila mamahalin sa napakaganda nilang ugali?

Naalala na naman tuloy namin ang struggling young star na nagmaldita sa guard at sa taong nauna nang nakapila pero walang paki-paking inunahan, ni walang sabi-sabing dahil nagmamadali siya. At na-inspect namin ang lugar, may CCTV na pala sa gate kaya puwedeng i-play iyon anytime para malaman kung sino itong binabanggit naming may ere at walang modong female young star.

Going back to Agpangan twins, nakakatuwa ang pagiging level-headed nila. Kaya pala kahit hindi sila title role sa mga serye at pelikula, nabibigyan sila ng magandang exposure dahil nakaka-deliver sila ng maayos. Kasama si Joj sa Finally Found Someone na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.