Ni REGGEE BONOAN

HINDI namin napanood ang La Luna Sangre nang umere nitong nakaraang Biyernes kaya hindi namin masakyan ‘yung nag-trending at nag-viral na mga reaksiyon at usapan na bampira raw si Ma’am Charo Santos-Concio.

CHARO copy copy

Kaya pagdating namin ng bahay ng hatinggabi ay pinanood namin sa iWantTV ang LLS at oo nga, sa pagpasok ng bagong karakter ni Albert Martinez bilang si Professor Theodore Montemayor na isang moonchaser ay binanggit niya sa grupo ni Tristan (Daniel Padilla) na ang mga bampira ngayon ay may mga posisyon na sa gobyerno at ipinakita ang litrato ng dating presidente ng ABS-CBN.

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

Nagulat kami at napaisip kung seseryosohin ba ito sa itatakbo ng istorya o gusto lang mag-crack ng joke ang scriptwriters ng La Luna Sangre. Nabanggit din kasi ng isa sa kaibigan ni Tristan na ‘kaya pala ang tagal na ng show niya sa TV’ kasi nga may posisyon sa gobyerno ang papel ni Ma’am Charo bilang bampira.

Kaya pala naaliw nang husto ang mga nakapanood sa primetime at nag-trending pa si Ma’am Charo. May eksena kaya si Ma’am Charo bilang bampira?

Samantala, bukod kay Ma’am Charo, nag-viral at trending din ang bagong anyo at bagong pangalan ni Malia (Kathryn Bernardo) bilang si Miyo.

Ibang klase talaga itong mga think-tank ng Dos, ang tinding magpauso!