NI: Lyka Manalo

STO. TOMAS, Batangas - Patay ang isang 50-anyos na ginang matapos mabangga ng pampasaherong bus ang inangkasan niyang motorsiklo sa Sto. Tomas, Batangas.

Dead on the spot si Lucrecia Martinez, 50, matapos maipit ng hulihang gulong ng bus, habang ginagamot pa sa St. Frances Cabrini Hospital ang driver ng motorsiklo na si Jay Mark Martinez, 21 anyos.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:00 ng umaga nitong Martes at binabagtas ng mga biktima ang Daang Maharlika sa Barangay San Miguel nang mabangga sila ng kasalubong na pampasaherong CKD Bus (HVN- 422).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng bus na si Florencio Paraiso, tubong Ormoc City, Leyte.