Ni: Lyka Manalo

LIPA CITY, Batangas – Arestado ang isang dating barangay kagawad sa buy-bust operations ng mga awtoridad sa Lipa City, Batangas, nitong Martes.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Roger De Ocampo, 43, dating kagawad ng Barangay Makina, Balete, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:00 ng gabi nitong Martes nang maaresto si De Ocampo sa Bgy. 1 sa Lipa.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu, at ang marked money.