NI: Erik Espina

‘YAN ang buod ng gantimpalang nag-aabang sa ipinapakalat na turo ng tinaguriang “Wahhabist” o “Jihadist,” na mala- Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na hibla ng Islam sa ating mga Sunni-Filipino Muslims.

Sa mga “Mujaheedin” o mandirigmang Muslim, na handang mamatay bilang martir; gaya ng pagsuot ng bomba sa katawan, pagmaneho ng sasakyang may pampasabog kontra mga “takfir” (hindi naniniwala sa Islam), 700 birheng dalaga ang naghihintay na premyo sa paraiso! Ngunit kung pagbabatayan ang tinig ng isang iskolar at ginagalang na guro ng Islam, si Ustadz Najeeb Rasul Fernandez, “Walang mababasa na ganito sa Quran”. Aniya, walang batayan ang liku-likong interpretasyon at maling pang-aakit sa mga kapwa Muslim. Si Ustadz Fernandez, na dating may programa sa telebisyon upang palawigin ang Islam, tutol sa ganitong suwail na paniniwala. Wika niya, “Nagmamadali ka mamatay, at sa mundo ng espiritu, ang kaluluwa mo mabibiyayaan ng maraming pagtatalik?” Natawa pa si Ustadz Fernandez, “Paano ‘yung mga mandirigmang babae sa Islam? Mabibigyan din sila ng 700 lalaking makakatalik? Sa paraiso kung saan makakasama mo na si Allah, na siyang tunay na kaligayahan ng ating kaluluwa, doon ka pa mag-sex sa harap niya!” Napapailing na lang ang bulag na guro. “Sa Islam, apat lang ang maaaring asawahin. Tapos 700 birhen ang pabuya? Anong klaseng turo ‘yan?

Eh, kung tutuusin, sa sunud-sunod na pagtatalik o apat na makakasiping pa lang, pagod ka na. Paano ‘yung ganyan karami?!”

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

Inamin ni Ustadz Fernandez na ang “teroristang” mantsa ng kanyang relihiyon ang kasalukuyan nilang problema.

Nabanggit niya ang Cebu, Baguio at iba pang lugar kung saan kumakalat ang maling pananampalataya. Dagdag niya, tuwing kausap ang kapwa Muslim, inuusisa niya kung ano... ito? Ang sagot ay “Sunni.” Kaya lamang, kapag tinatanong niya alin sa apat na pagtuturo ng Sunni (Hanafi, Maliki, Shafi’i, Hanbali) ang gumagabay sa kanila, wala silang masagot. Tanda ito ng peligrong umuusbong sa ating paligid. Sang-ayon si Ustadz Fernandez na ang kagawian at kasaysayan ng karahasan, bangayan ng mga tribu sa pamumulitika, kanya-kanyang paksiyon sa relihiyong Islam mula mga dayuhang bansa; Saudi, Iran, Iraq, Afghanistan, Palestine, Libya, Syria at iba pa ay ‘di dapat payagang makapasok sa Pilipinas.

Magugulo sila lahat!