MISSISSIPPI (AFP) – Isang military plane ang bumulusok sa Delta region ng Mississippi na ikinamatay ng 16 katao.

Sinabi ni Leflore County emergency management director Fred Randle na bumulusok ang KC-130 military transport plane halos 135 kilometro sa hilaga ng Jackson. Hindi pa malinaw kung saan nanggaling ang eroplano.

Iniulat ng pahayagang Clarion-Ledger na nangyari ang insidente dakong 4:00 ng hapon, at bumagsak ang eroplano sa isang taniman ng soybean sa Sunflower-Leflore county line.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na