Ni: PNA

NAKOPO ni Ernest John Obiena ang bronze sa men’s pole vault event sa 22nd Asian Athletics Championship kamakailan sa India.

Naitala ng 21-anyos na si Obiena ang 5.50 meters para pumangatlo sa likod nina China’s Ding Bangchao at Japan’s Masaki Ejima na kapwa nakapagtala ng 5.65 meters sa Kalinga Stadium sa Bhubaneswar.

Ang performance ni Obiena ang pinakamatikas mula sa rehiyon. Nahigitan niya ang mga karibal niya sa SEA Games na sina Thailand’s Patsapong Amsam-ang (fourth place, 5.40 meters) at Yotsakon Khumniem (5.00 meters).

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagsanay si Obiena, inaasahang mangingibabaw sa SEA Games sa Malaysia sa Agosto, sa Formia, Italay at sumabak sa European tournament.

Ito ang unang medalya ng Team Philippines sa torneo mula nang magwagi ng gintong medalya si Marestella Torres sa women’s long jump sa AAA sa Guangzhou, China noong 2009.