WASHINGTON (AP) – Ipinahayag ng isang opisyal na may direktang kinalaman sa usapin na pumayag umano ang Washington Wizards na bitiwan ang karapatan kay free agent Bojan Bogdanovic upang makalagda ito ng two-year, US$21 million deal sa Indiana Pacers.

Ayon sa source, nagkasundo na ang magkabilang kampo.

Sinabi naman ni Pacers president of basketball operations Kevin Pritchard na may pagbabago pa bago matapos ang buwan.

Ikinokonsidera si Bogdanovic bilang premyadong marksman na nagmula sa Europe.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Inaasahang malaki ang papel na gagampanan ni Bogdanobic bunsod nang paglisan ni four-time All-Star Paul George na lumipat sa Oklahoma City.