Britney copy

Ni: Cover Media

ISANG bagong cancer care center ang ipapangalan kay Britney Spears bilang parangal sa pagtulong niya sa paglikom ng $1 milyon para sa pasilidad.

Nagkaloob ang pop superstar ng bahagi ng mga kinita sa kanyang Britney: Piece of Me residency shows sa Las Vegas sa mga boss ng Nevada Childhood Cancer Foundation (NCCF) upang pondohan ang bagong gusali, na magkakaloob ng iba’t ibang pediatric at adult services.

BALITAnaw

#BALITAnaw: Mga sikat na personalidad na sumakabilang-buhay ngayong 2024

Ayon sa People.com, magbubukas ang Britney Spears Campus sa huling bahagi ng buwang ito, na ikinatuwa ng Toxic hitmaker.

“There are many things I’ve done in my career that I am proud of, but none more than this,” saad sa pahayag ni Britney. “The fact that I was able to use my celebrity status to raise the money to build this incredible facility to help sick children and their families when they need it the most not only brings many tears to my eyes, but really brings tremendous meaning to this amazing journey that I have been on.”

Ibinunyag ni Britney na na-inspire sa pagtulong sa mga batang mayroong cancer at isa itong kampanya na malapit sa kanyang puso.

“My aunt Sandra died of cancer and I know the devastating effects that this terrible disease brings upon its victims and their loved ones,” patuloy niya, “but when it happens to innocent young children, there’s literally nothing I can think of worse than that. I’m just glad that I can help in some small way.”