Ni: Lyka Manalo

LIPA CITY, Batangas - Sugatan ang principal ng Alitagtag National High School matapos barilin ng hindi nakilalang suspek habang nagmamaneho sa Lipa City, Batangas.

Nilalapatan pa ng lunas sa ospital si Emily Mallari, 39, ng Barangay Banay-Banay, Lipa City.

Ayon kay PO3 June Gonzales, minamaneho ng biktima ang kanyang itim na Nissan Grand Livina Wagon (AAK-2146) nang pagbabarilin ng suspek sa Bgy. Pinagtungolan dakong 6:50 ng umaga nitong Martes.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tinamaan ng bala sa ulo ang biktima at nawalan ng kontrol sa manibela kaya sumadsad sa gilid ng kalsada ang sasakyan.

Tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo habang iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril.