Ni: Mina Navarro

Iniutos ng Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng tauhan nito na ipatupad nang mahigpit ang patakaran sa pagbabawal sa mga hindi awtorisadong tao sa immigration areas sa lahat ng paliparan sa bansa at pagbibigay ng VIP treatment sa mga pasahero.

Ibinaba ni Commissioner Jaime Morente, ang memorandum order sa “no travel facilitation, no loafing at no loitering” bilang babala sa mga empleyado ng BI na huminto na sa pagsama sa mga padating at paalis na pasahero -- personal man, sa text message o tawag sa telepono -- para mabilis na makalusot sa mga immigration counter.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?