Nina ELENA L. ABEN at RAYMUND F. ANTONIO

Tiniyak ng isang mambabatas sa Senado na masusi nilang pag-aaralan kung kailangang palawigin ang martial law sa Mindanao sakaling hilingin ito ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

“We’ll be ready to assess and make that decision if there’s really a need to extend the declaration,” pahay ni Senador Joel Villanueva matapos pagtibayin ng Supreme Court (SC) ang pagdeklara ng martial law sa katimugan ng bansa noong Mayo 23, 2017.

Gayunman, binigyang-diin niya na may ilang elemento na dapat matugunan bago palawigin ang batas militar nang mahigit 60 araw at ang lawak ng sakop nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We have to ask what it has accomplished relative to the problem of terrorism in Mindanao,” ani Villanueva.

Idinagdag niya na kailangang maipakita ng gobyerno kung ano ang naging epekto ng implementasyon ng martial law sa Mindanao -- kung ito ba ay naging epektibo o hindi sa pagtugon sa banta ng terorismo sa rehiyon, at kung bakit kailangan itong ipagpatuloy.

Hihiling din sila ng iba pang opsiyon bukod sa martial law.

Kaugnay sa desisyon ng SC, sinabi ng senador na malinaw na sumasang-ayon ang mataas na korte sa Kongreso at Ehekutibo na mayroong factual basis para sa deklarasyon ng martial law.

Muli namang nanawagan si Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo sa Kongreso na repasuhin ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

“We expect that Congress will likewise fulfill its Constitutional duty to review, on behalf of the people, the declaration of martial law in Mindanao,” pahayag niya matapos ang desisyon ng SC.

Bago ang desisyon ng SC, hindi na nagdaos ang Senado sa Kamara ng joint session para talakayin ang Proclamation No. 216 ni Duterte. Tinanggap lamang nila ang written report mula sa Malacañang at nagpasa ng magkahiwalay na resolusyon na sumusuporta dito.

Sinabi rin ni Robredo na dapat ipagpatuloy ng lahat ang pagtulong sa mga taga-Marawi at “prepare for the more difficult task of helping them rebuild their lives.”