HANOI (AFP) – Nangako ang mga opisyal sa Hanoi, ang kabisera ng Vietnam, nitong Miyerkules na buburahin sa mga kalye ang motorsiklo pagsapit ng 2030 upang maibsan ang trapik at polusyon.

Sikat ang Hanoi sa maraming motorsiklo, ang pangunahing transportasyon sa lungsod. Sa katunayan mayroong limang milyong motorsiklo sa populasyon ng pitong milyong mamamayan, kumpara sa kalahating milyong kotse na nasa kalsada.

Ang desisyon para ipagbawal ang mga motorsiklo pagsapit ng 2030 ay inaprubahan ng city councilors sa pagpupulong nitong Martes.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

“Traffic jams and air pollution will become serious in the future if no immediate management measures are in place,” nakasaad sa ulat ng pamahalaang lungsod.