Ni: Light A. Nolasco

PANTABANGAN, Nueva Ecija – Isang barangay kagawad sa bayan ng Rizal ang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Ganduz, Pantabangan, Nueva Ecija.

Ayon kay Senior Insp. Melchor T. Pereja, kinilala ang naaresto na si Jemmuel Alunen, 62, kagawad ng Bgy. Sta. Monica sa Rizal.

Sinabi ni Pereja na nakumpiska umano kay Alunen, “newly identified drug personalit”, ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,500 at P500 marked money.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog