NI: Leandro Alborote

SAN CLEMENTE, Tarlac - Dahil sa matinding away ng mag-asawa ay ipinasya ng mister na magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Balloc, San Clemente, Tarlac, kahapon ng umaga.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Rey Fabros, dakong 6:00 ng umaga nang natagpuan ni Ernesto Samonte, 68, ang nakabigti niyang anak na si Rogel Samonte, 41, ng nasabing barangay.

Ayon sa report, nagkaroon ng matinding away ang mag-asawang Rogel at Jelene, 33, at kapwa umalis ng bahay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Pag-uwi ni Rogel ay lasing na lasing siya hanggang sa magbigti.