BEIJING (AFP) – Isang ‘’serious political and military provocation’’ ang pagdaan ng US warship malapit sa pinagtatalunang isla sa South China Sea na lalong magpapalala sa relasyon ng dalawang superpowers, sinabi ng Beijing kahapon.

Naglayag ang USS Stethem destroyer, halos 12 nautical miles mula sa maliit na Triton Island sa Paracel Islands archipelago, na inaangkin ng China gayundin ng Taiwan at Vietnam, sinabi ng isang opisyal ng US sa AFP.

Nangyari ang operasyon, layuning ipakita ang freedom of navigation sa pinag-aagawang karagatan, ilang oras bago mag-usap sa telepono sina President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Bilang tugon, nagpadala ang China ng military vessels at fighter planes, pahayag ni foreign ministry spokesman Lu Kang nitong Linggo ng gabi. ‘’The Chinese side strongly urges the US side to immediately stop such kind of provocative operations that violate China’s sovereignty and threaten China’s security,’’ aniya.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na