Ni: Bella Gamotea

Sugatan ang isang pulis matapos ma-hit-and-run sa Oplan Bulabog sa bus stop sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si PO2 John Robert Baligod, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 5, Park Square 1, Ayala Center, Makati City.

Nasa kustodiya naman ng Makati City Traffic Enforcement Unit ang suspek na si Maybelle Sacdalan y Timan, nasa hustong gulang, ng Lot 15, Block 25, New Capitol Estate 1, Diliman Quezon City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), katatapos lang isagawa ng Makati City Police, kinabibilangan ni Baligod, ang Oplan Bulabog nang mabundol ang biktima ng rumaragasang itim na Honda HRV (DQ7145) sa EDSA provincial bus stop northbound, Barangay Dasmarinas, dakong 2:40 ng madaling araw.

Sa halip na huminto at isugod sa ospital ang pulis, pinaharurot ni Sacdalan ang kanyang sasakyan at hinabol ng mga pulis hanggang sa nakorner sa White Plains.