Ni: Fer Taboy

Napatay ang isang mag-ama matapos na manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Baybay City, Leyte, kahapon.

Sa imbestigasyon ng Baybay City Police Office (BCPO), kinilala ang mga suspek na sina Isidro Lorona, Sr. at anak nitong si Isidro Lorona, Jr., kapwa taga-Zone 13 sa Baybay City.

Nagsagawa ng buy-bust ang mga pulis laban sa mag-ama sa Zone 6 pero nakatunog umano ang dalawa at tinangkang barilin ang mga awtoridad pero sila ang napuruhan sa engkuwentro.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog