Ni: Marivic Awitan

TAGLAY ang intact na line -up, umaasa ang koponan ng BaliPure na muling makabalik sa championship round sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa Premier Volleyball League (PVL) na magbubukas ng kanilang second conference bukas sa Filoil Arena sa San Juan.

Nabigo ang Water Defenders sa kamay ng Pocari Sweat Lady Warriors sa nakaraang Reinforced Conference finals.

Gayunman, nananatili silang optimistiko sa kanilang tsansa para sa second conference kung saan sasandigan ni coach Roger Gorayeb ang nabuong chemistry ng team.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

"Unlike other teams, we weren't able to get marquee players but we're relying on our familiarity with one another to carry us through this conference," ani Gorayeb.

Inaasahang magsisilbing sentro ng lakas at inspirasyon ng koponan si NCAA MVP Gretchel Soltones, ang nakaraang Reinforced Conference second best spiker, gayundin ang ang playmaker na si Jasmine Nabor, ang middle blocker na si Risa Sato at beteranong libero na si Lizlee Ann Pantone, kasama sina Aiko Urdas. Jorelle Singh at Jerrili Malabanan.

Sa pagkawala ng mga import, inaasahang madadagdagan ang playing time ni Singh, habang si Malabanan, ang sumisibol na star galing Far Eastern University ay inaasahan ding lalo pang aangat.

"Jorelle will definitely get to play more as well as Jerilli, who was really impressive last conference," ayon kay Gorayeb.