Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY - Malaking gramo ng shabu ang narekober ng Drug Enforcement Unit ng Tarlac City Police sa isinagawang buy-bust operation sa isang apartment sa Barangay San Nicolas, Tarlac City, nitong Lunes ng umaga.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Insp. Wilhelmino Alcantara, sa superbisyon ni Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, at naaresto si Erlinda Dombriguez, alyas “Lindang Kabayo”, 57, may asawa, at kabilang sa listahan ng drug personalities sa siyudad.

Nakabili umano si PO2 Ryan Torales kay Dombriguez ng isang plastic sachet na may 0.121 gramo ng shabu kapalit ng P1,000 marked money.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Inaresto rin ng mga awtoridad si Don-Don Lomibao, na naaktuhan namang bumabatak sa sala ng bahay ni Dombriguez.

Nakasamsam din ang pulisya ng 11 plastic sachet na may kabuuang 16.835 gramo ng umano’y shabu at drug paraphernalia.