Prediksyon ni Roach sa laban ni Pacman kay Horn.

BRISBANE, Australia (AP) — Hindi naging ugali ni Manny Pacquiao na magsalita nang tapos hingil sa knockout win.

Ngunit, para kay Freddie Roach, hindi malayong matikman ni Australian contender Jeff Horn ang paghalik sa lona.

Inilarawan ng Hall-of-Famer boxing trainor ang kahihinatnan ng duwelo sa Linggo (Hulyo 2) na ‘short and sweet.’

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Manny is in great shape,” deklara ni Roach sa panayam ng the Associated Press nitong Miyerkules. “He doesn’t like to predict knockouts, but I do. It’s going to be short and sweet.

Untitled-1 copy copy

“If Horn comes out likes he says he’s gonna, Manny will fire back. I think it’s going to be a great fight but it won’t last too long, and someone will get knocked out,” sambit ni Roach.

Iginiit ni Pacquiao, hindi pa nakapanalo ng knockout mula noong 2009, na napag-aralan na niya ang diskarte para magapi si Horn, tangan ang 17-0 karta mula nang sumabak sa pro boxing noong 2013, isang taon matapos katawanin ang Australia sa London Olympics.

Subalit sa kanyang paghahanda sa laban, nagawang mapatumba ng 38-anyos na Philippines senator ang kanyang sparring partner.

Ayon kay Roach, lumutang ang tunay na Manny Pacquiao sa ginawang preparasyon ng Team Pacquiao.

“The thing is, in sparring, we haven’t had knockdowns and knockouts in a long time. This time we did,” sambit ng pamosong boxing trainer. “Manny has been his old self, having fun and doing what he does best.”

Tinaguriang “Battle of Brisbane”, inaasahang mapupuno ang 50,000 capacity Suncorp Stadium, sa nakatakdang pinakamalaking boxing event sa kasaysayan ng Australian pro boxing.

Ngunit, may agam-agam sa pahayag ni Roach ang kampo ni Horn.

Ayon kay Glenn Rushton, trainer ng dating school teacher, na lubhang minamaliit ng Team Pacquiao ang laban kay Horn dahil ipinapakalat na ang rematch kay unbeaten American Floyd Mayweather, Jr. gayung hindi pa tapos ang laban.

May pang-aasar naman ang promoter ni Horn na si Dean Lonergan hinggil sa aniya’y labis na pagtutuok ni Pacquiao sa kanyang cell phone sa ginanap na press conference nitong Miyerkules nang tawagin niya ang Pinoy champion na ‘world champion texter.’

Ipinahayag naman ng 29-anyos na si Horn na hindi siya nababahala sa deklarasyon at pahayag ni Roach at ng Team Pacquaio na knockout win.

“I was surprised to hear them say that, actually,” sambit ni Horn. “If he’s looking for a knockout it always makes you vulnerable. If you look for a knockout, it usually doesn’t come and you leave lots of openings.”

Nilinaw naman ni Pacquiao na hindi niya nais na hiyain ang kampo ni Horn sa kanyang pagte-text, bagkus naghahanda lamang siya nang kanyang sasabihin. Itinanggi rin niyang minamaliit si Horn, ngunit nangako ng matikas na kampanya dahil nakataya ang dangal ng bayan sa laban.