Ni NITZ MIRALLES

KUNG matutuloy, bukas na ang storycon ng pelikula ng Regal Entertainment na pagbibidahan ng love team nina Barbie Forteza at Ken Chan.

Barbie at Ken copy

May title na This Time I’ll Be Sweeter sa direksiyon ni Joel Lamangan. Sa June 30, naman sisimulan ang shooting.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa storycon malalaman ang ibang cast dahil parang nagbago sa una naming narinig. Iyong mga pangalan na unang sinabi sa amin, parang naiba sa mga pangalang ipinarating sa amin kahapon. Ang sigurado, taga-GMA-7 din ang makakasama nina Barbie at Ken para hindi magkaproblema sa promotion.

Wala pa kaming idea sa story ng This Time I’ll Be Sweeter na mula sa title ng sumikat na kanta ni Angela Bofill.

Makikibalita kami sa Regal Entertainment sa story at role nina Barbie at Ken.

By the way, nasabi naming “kung matutuloy” dahil nagkaroon ng problema sa paligid ng dalawa nitong mga nakaraang araw.

Ilang araw lang nagpahinga sina Barbie at Ken after ng successful run at final episode ngMeant To Be, heto at sasabak na uli sila sa trabaho.

Hopefully, kung matuloy man ang pelikula, walang maging problema, matapos at maipalabas ng maayos para magawa ang isa pang pelikula ni Barbie sa Regal Entertainment.