Ni: Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY – Napatay ang isang murder suspect makaraang makaengkuwentro ang mga pulis na aaresto sa kanya sa Barangay Pinili sa San Jose City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Supt. Reynaldo dela Cruz, hepe ng San Jose City Police, nakilala ang salarin na si Lito Zamora Magdangal, 38, most wanted sa Cagayan Valley, at residente ng Zone 6, Bgy. Pinili.

Nabatid na dakong 4:30 ng umaga nitong Hunyo 22 nang hainan ng arrest warrant si Zamora, na umano’y nanlaban at napatay ng mga pulis.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Narekober ng arresting team mula kay Magdangal ang isang .45 caliber pistol, isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, mga ID, at iba pang gamit na pinaniniwalaang mula sa mga nabiktima sa umano’y ginawang robbery/hold-up ng suspek.