Laro Ngayon

(FEU-NRMF gym)

6 n.g. -- CdSL-V Hotel vs PCU

7:30 n.g. -- Diliman-JPA vs FEU-NRMF

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

HINDI pa tapos ang laban para sa Diliman College-JPA Freight Logistics at Colegio de San Lorenzo-V Hotel.

Bumangon mula sa hukay ang Diliman-JPA upang gulatin ang defending champion FEU-NRMF-Gerry’s Grill, 90-84, sa overtime habang nagpakita ng tibay ng loob ang CdSL-V Hotel upang biguin ang Philippine Christian University, 82-79, sa 2017 MBL Open basketball tournament sa FEU-NRMF gym sa Fairview.

Ang nasabing dalawang panalo ay lumikha ng inaasahang hitik sa aksyon na sudden death matches para sa final berth ng eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Star Bread, Dickies Underwear, Ironcon Builders at Gerry’s Grill.

Nanguna sina Joseph Brutas at import Adama Diakhite pa sa panalo ng Rensy Bajar-coached Dragons, umaasang masusungkit ang ika-dalawang titulo sa MBL sa loob ng tatlong taon at makumpleto ang grandslam.

Umiskor si Brutas ng 21 puntos, kabilang ang limang three-point shots.

Nag-ambag si Diakhite ng 19 puntos, kabilang ang ilang highlight dunks laban sa FEU imports na sina Kareem Abdul at Moustapha Arafat sa kagalakan ng mas nakahihigit na FEU crowd.

Nakatuwang nila sina MJ Enriquez at Kris Torrado para sa Dragons, sinusuportahan ni Diliman College president Sen. Nikki Coseteng at businessman-sportsman Jerry Alday.

Si dating MBL MVP Clay Crellin ay nagpasiklab sa kanyang 22 puntos habang si ex-PBA star Jerwin Gaco ay nagdagdag ng 14 puntos para sa Tamaraws nina manager Nino Reyes at coach Pido Jarencio.

Sina Arafat at Abdul ay nalimitahan sa 10 puntos ng mahigpit na depensa ni Diakhite.

Sumandal muli ang CdSL-V Hotel sa subok na tambalan nina import Soulemane Chabi Yo at Dominic Formento upang biguin ang PCU at panatilihing buhay ang tsansa para sa kampeonato.

Hataw si Chabi Yo, ang masipag at walang kapagurang player mula Benin, sa kanyang 29 puntos habang si Formento ay may 21 para sa Griffins nina manager Jimi Lim at coach Boni Garcia.

Namuno si Yves Sazon sa PCU sa kanyang 24 puntos, kasunod si Mike Ayonayon at Fidel Castro na may 11 puntos.