Ni REGGEE BONOAN

NAG-BREAK na nga ba sina Xian Lim at Kim Chiu? Ito ang iisang tanong sa amin ng mga kaibigan at mga kaanak naming tagasubaybay ng dalawa sa ibang bansa.

XIAN copy copy

Tinatanong din kami kung ano ang project ng dalawa dahil nga hindi na raw nasundan ang huli nilang teleserye na matatandaang kinunan pa sa New York.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Katwiran namin, baka matagalan pa bago magsama uli ang KimXi dahil umeere pa ang seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin nina Kim at Gerald Anderson na napapanood bago mag-It’s Showtime.

Anyway, sinagot ni Xian ang isyung hiwalayan nila ni Kim.

“Rumors are rumors. Kung anuman siya, let it be. I don’t really have anything to say, kasi I don’t wanna entertain those kind of vibes, eh. Wala naman kasing patutunguhan ang ganyang unwanted comments.”

Aniya pa, parehas pa rin ang samahan nila ni Kim kahit katrabaho ng dalaga si Gerald sa Ikaw Lang Ang Iibigin.

“It’s still the same. Kung anuman ang mga pinagsasabi ng mga tao, let it be. That’s their belief. Wala naman kasi talaga. We’re not that kind to be scandalous about anything,” katwiran ni Xian sa panayam ng ABS-CBN news.

Ginagawa ring isyu na sa unang concert ni Xian ay special guest niya si Kim, pero sa susunod ay hindi na.

“When it comes to getting projects, nabibigyan lang kami ng proyekto, ‘yun lang po ‘yun. It’s more of management who decides kung sino and anong projects ang nababagay sa amin.

“It doesn’t really matter kung magkatrabaho kami ngayon o hindi kami magkatrabaho ngayon. Wala naman po ‘yun. We’re just doing our passion and we’re just doing what we want to do,” paliwanag ng actor turned singer. “Hindi naman kasi namin dinu-dwell ‘yung mga issues. We don’t really focus on that. Hindi naman po doon umiikot ang production, hindi naman po doon umiikot ang pagiging creative ko.”