Ni: Mary Ann Santiago

Patay ang isang retiradong opisyal ng Philippine Marines nang tambangan ng riding-in-tandem habang sakay sa kanyang SUV sa Bonifacio Drive, Intramuros, Maynila kahapon.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 5, apat na tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan at sa dibdib ang ikinamatay ni Jujie Lim Umandac, nasa edad 56-60, retiradong Master Sergeant ng Philippine Marines at residente ng Baseco Compound, Port Area.

Sakay ang biktima sa kanyang Mitsubishi Pajero (OMA-999) nang pagbabarilin sa Bonifacio Drive sa Intramuros, bandang 2:45 ng hapon.

Binabagtas ng biktima ang nasabing lugar nang sabayan ng dalawang suspek at pinagbabaril bago humarurot palayo.

National

Rep. Paolo Duterte, bumwelta sa ICC: 'This hearing will not change history!'

Inaalam na kung may kinalaman sa pulitika ang pamamaril dahil kakandidato umano si Umandac bilang barangay chairman sa eleksiyon sa Oktubre 23.