Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

Game 1 0 best-of-seven

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

7 n.g. -- San Miguel Beer vs Talk N Text

TATANGKAIN ng San Miguel Beer na mapanatili ang winning tradition sa pagsabak sa kampeonato sa nakalipas na limang conference sa pagsisimula ng Game 1 ng best-of-seven Final kontra Talk ‘N Text sa 2017 OPPO-PBA Commissioners Cup.

Magsisimula ang salpukan ng Beermen at ng Texters ganap na 7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Mula ng hawakan ni coach Leo Austria ang SMB noong 2014, naka-apat na silang finals appearance at lahat ito ay kanilang naipanalo , pinakahuli ang nakaraang 2017 Philippine Cup.

Ayon kay Austria, hangad nilang maipagpatuloy ang nasimulan, ngunit aminado siyang mahirap itong gawin higit at matindi ang kanilang makakatapat na Katropa, nagapi nila sa Game 7 sa semifinal ng Philippine cup.

“It’s not that easy considering our opponent is TNT. They’re out there to win a championship because it’s been a long time. At the same time, laging kami ang obstacle for them to get into the Finals dahil twice namin sila tinalo sa semifinals — in the All-Filipino last 2015, and then nung conference,” pahayag ni Austria.

“I’m sure na it’s always on their mind, and I’m sure that they will really prepare hard for this.”

Magsisilbi namang motivation para sa Beermen ang 16 na taon ng kabiguang magwagi sa Commissioner’s Cup.

Umaasa naman si TNT rookie coach Nash Racela sa matikas na simula ng Katropa. “We have to play as a team. Team effort talaga and our locals must step-up. “

Hinggil naman sa kundisyon ng kanilang import, kumpiyansa si Racela na lalaro sa finals si Joshua Smith sa kabila ng iniinda nitong injury sa kanang paa.

Ayon kay Racela, hangga’t kaya, ayaw nilang magpalit ng import lalo pa’t gamay na nila si Smith.

“Why replace him if he can play? If we can stick with him until our last game then we will,” ayon kay Racela.