SAN ANTONIO, Texas (AP) – Tinangihan ni Pau Gasol ang ‘option’ sa kanyang huling season sa Antonio Spurs upang makalagda ng bago at mas mahabang kontrata kahit may kababaan ang suweldo.

May US$16 milyon suweldo si Gasol sa kanyang huling taon sa Spurs, ngunit pinili niyang pumirma ng mas mahabang kontrata na may mababang sahod para mabigyan ng lugar ang Spurs sa free agency market.

Lumagda ng dalawang taon na nagkakahalaga ng US30 milyon si Gasol sa pagbubukas ng 2016 season. Naitala niya ang averaged 12.4 puntos, 7.8 rebound at 1.1 block. Natulungn niya ang Spurs sa pagkopo ng 61 panalo sa regular season, ngunit winalis sila ng Golden State Warriors sa Western Finals.

“He’s fulfilled all of our expectations,” pahayag ni Spurs coach Greg Popovich.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan