Ni: Jun Fabon

Pinaiimbestigahan na ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang pananambang sa dating barangay kagawad sa lungsod, iniulat kahapon.

Nais malaman ni Eleazar ang motibo sa pagpatay kay Jose Akimkim y Cristobal, 74, dating kagawad ng Barangay Culiat, at nakatira sa Makimkim compound, Tower Ville Homes.

Sa ulat ni Police Supt. Elmer Monsalve ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), naganap ang pananambang sa No. 23 Pantabangan Street, Napocor Village, Bgy. Tandang Sora, bandang 3:30 ng hapon kamakalawa.

Nabatid na sinundo ni Akimkim ang kanyang apo sa eskuwelahan at pagbaba niya sa minamanehong kotse, basta na lamang siyang binaril ng riding-in-tandem.

Kaso ng krimen sa bansa, bumaba mula Dec. 2025 hanggang Enero 2026—PNP

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa Tandang Sora Avenue.